MANILA – Pinaghahandaan na ng mga otoridad ang isasagawang malawakang ‘thanksgiving’ party para kay President Elect Rodrigo Duterte sa June 4, 2016.Ayon kay PNP Region 11 Director Chief Supt. Manuel Gaerlan, sa naturang okasyon, inaasahang higit sa 100,000 mga residente at mga turista ang lalahok at dadagsa sa Crocodile Park sa pagitan ng 1:00 pm hanggang 1:00 am.Aniya, posibleng may mga celebrities at mga entertainers na imbitado sa okasyon bukod pa sa mg Vip na inaasahang dadalo.Dahil sa dami ng inaasahang tao, nananawagan si Gaerlan sa publiko na makipag-tulungan sa PNP at sa iba pang mga security personnel sa araw ng kasiyahan upang matiyak na magiging mapayapa ang okasyon at hindi malalagay sa alanganin ang kaligtasan mismo ni Duterte.Inaabisuhan din ang mga tao na dadalo sa vitory party na dumating ng maaga sa venue dahil kinakailangang dumaan sa masusing security check ang mga ito.Bukod rito, asahan na rin aniya ang matinding trapiko sa lugar dahil sa dami ng inaasahang dadalo.
Seguridad Ng Isasagawang ‘Thanksgiving’ Party Para Kay President Elect Rodrigo Duterte, Pinaplansta Na
Facebook Comments