Seguridad ng Lahat sa Farmers Congress sa Dinapigue, Sinigurado ng Kapulisan!

117

Dinapigue, Isabela – Sinigurado ng kapulisan ng Dinapigue, Isabela ang seguridad ng lahat ng dumalo sa Farmers Congress na isinagawa ngayong araw sa naturang lugar.


Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Clarence Labasan, hepe ng Dinapigue Police Station na nailatag na lahat ang kanilang preparasyon dalawang araw bago ang nasabing aktibidad.

Aniya naglatag siya ng koordinasyon sa lahat ng opisyal ng anim na barangay sa Dinapigue para sa seguridad ng lahat sa Farmers Congress.

Matatandaan na nagtungo kahapon ang grupo para sa Farmers Congress ngayong araw sa pangunguna nina Isabela Governor Faustino “Bojie” Dy III, Vice Governor Antonio “Tonypet” Albano at Provincial Administration Rowel Manuel Lopez upang ibahagi sa mga mamamayan ang mga programa at proyekto l tulad ng Medical, Dental at iba pang mga libreng serbisyo mula sa pamahalaan.

Facebook Comments