Seguridad ng Magsasagawa sa Cagayan River Restoration Project, Tiniyak ng Kasundaluhan

Cauayan City, Isabela-Nadiskubre ng mga residente ang isang liham na may pagbabanta mula sa mga kasapi ng New People’s Army (NPA) para sa mga contractor na magsasagawa ng rehabilitation at restoration sa Cagayan River.

Sa panayam ng iFM Cauayan kay Lt. David Lloyd Orbeta, Civil Military Operations Officer ng 17IB, nakita sa lansangan ang ilan sa mga liham ng may pagbabanta sa Barangay Bangag sa bayan ng Lal-lo kung saan magsisimula ang rehabilitasyon ng nasabing ilog upang maiwasang maulit ang malawakang pagbaha sa nangyaring magkakasunod na tumamang bagyo sa rehiyon dos partikular sa lalawigan ng Cagayan.

Ayon pa kay Orbeta, agad na ipinagbigasy alam ng mga residente ang mga nadiskubreng mga liham kaya’t agad na tinugunan ng mga sundalo ang sumbong matapos makalap ang mga sulat na pinaniniwalaang ikinalat ng mga kasapi ng teroristang NPA o mga taga-suporta ng mga ito kung kaya’t pinulong ng mga sundalo ang mga residente at mga opisyal upang bigyan ng moral support para maiwasan ang pagkatakot.


Una nang nagpulong si Cagayan Governor Manuel Mamba at Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos atasan ng kalihim ang kasundaluhan sa pamumuno ni MGen. Lawrence Mina para sa pagbibigay ng dagdag pwersa matapos itatag ang Special CAFGU Active Auxiliary (SCAA) para matiyak ang seguridad ng mga residente at ang magsasagawa ng pagsasaayos sa nasabing proyekto.

Sinabi pa ni Orbeta na pinulong rin umano ang mga residente ng mga kasapi ng AnakPawis at BayanMuna.

Tiniyak ng buong pwersa ng kasundaluhan ang seguridad ng mga residente sa kabila ng banta ng NPA.

Facebook Comments