SEGURIDAD NG MGA ESTABLISIMYENTO SA GABI, PINAIIGTING NG PNP CALASIAO 

Pinaiigting ng Calasiao Police Station ang seguridad sa mga establisimyento matapos magsagawa ng maagang inspeksyon sa iba’t ibang negosyo kahapon, Nobyembre 18, pasado ala-una ng madaling-araw.

Kasama sa ininspeksyon ang mga ATM, delivery service outlets, pawnshop, at iba pang saradong establisimyento upang matiyak na maayos ang pagkakasara at ligtas ang mga ito.

Ayon sa Calasiao Police Station, bahagi ito ng kanilang pinaigting na kampanya para sa kaligtasan ng publiko at proteksyon ng mga negosyo laban sa pagnanakaw, lalo na sa gabi at madaling-araw.

Tiniyak naman ng pulisya na magpapatuloy ang ganitong operasyon upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong bayan ng Calasiao.

Facebook Comments