Seguridad ng mga estudyante laban sa recruitment ng makakaliwang grupo, dapat paigtingin

Iginiit ni Senator Francis Tolentino ang mas mahigpit na pagbabantay sa seguridad ng mga estudyante laban sa recruitment na isinasagawa ng mga makakaliwang grupo na konektado umano sa CPP-NPA-NDF.

Pahayag ito ni Tolentino kasunod ng pagdinig ng senado kung saan lumuluhang inilahad ng ilang magulang ang pagdurusa nila makaraang lumayas ang kanilang mga anak at sumama sa mga militanteng grupo.

Kaisa si Tolentino sa mungkahi na pahintulutan ang mga otoridad na makapasok sa mga school campus para masubaybayang mabuti ang mga estudyante lalo na sa mga pagkakataong hindi sila nakikita ng kanilang mga magulang.


Hiniling din ni Tolentino sa Department of Social Welfare and Development na bumuo ng intervention program para sa mga kabataang nabiktima o nakuha at napaniwala na ng mga makakaliwang grupo.

Facebook Comments