Seguridad ng mga guro na magsisilbing BEIs sa halalan, prayoridad ng PNP

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang kaligtasan ng mga guro na magsisilbing Board of Election Inspectors (BEIs) sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa October 30.

Ayon kay PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., bahagi na ng pagpaplano nila ang pagbibigay ng seguridad sa mga guro lalo na sa mga lugar o lalawigan sa bansa na mainit ang politika.

Ani Acorda, sapat ang kakayahan ng mga pulis para gampanan ang tungkulin ng BEI dahil sumailalim ang mga ito sa serye ng pagsasanay.


Una nang sinabi ng PNP na mayroong naka-standby na 4,429 na mga pulis para maging BEIs kasunod ng inaasahang posibleng kakulangan ng mga itatatalagang BEIs dahil sa usaping panseguridad sa ilang rehiyon sa bansa.

Ang mga pulis ay itatalaga sa Bangsamoro Autonomous Region, Northern Mindanao, CALABARZON, at Bicol.

Ang mga lugar aniyang ito ang may history ng election-related incidents, intense political rivalry at presensiya ng organized crime at partisan armed groups.

Facebook Comments