SEGURIDAD NG MGA POLITICAL ASPIRANTS SA PANGANGAMPANIYA, TINIYAK

Tiniyak ng Pangasinan Police Provincial Office ang seguridad ng mga political aspirants na mangangampanya sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Pangasinan Police Provincial Director PCol. Rollyfer Capoquian, handa ang kanilang hanay sa pagbibigay ng area security sa mga nagbabalak na mangampanya sa probinsya.

Ayon naman kay COMELEC Pangasinan Election Supervisor Atty. Ericson Oganiza, dapat umanong kumuha ng permit ang mga nagnanais na mangampanya sa LGU o di naman ay sa mismong comelec office.

Ito umano ay upang mapagtuunan ang kanilang seguridad sa kanilang pagbisita.

Nilinaw ni Atty Oganiza na pwede namang mangampanya sa anumang oras ngunit mas mainam kung may permit upang sila masiguro ang kanilang kaligtasan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments