Seguridad ng mga PUV drivers sa Metro Manila na hindi kasama sa jeepney strike, sisiguruhin ng PNP

Manila, Philippines – Tinitiyak ng Philippine National Police ang seguridad ng mga Public Utility Vehicle drivers sa Metro Manila na hindi sasali sa jeepney strike ngayong araw na ito.

Ayon kay NCRPO spokesperson Kimberly Molitas, binabantayan ng PNP ang mga sitwasyon sa Metro Manila kaugnay ng jeepney strike.

Inutos na aniya ni NCRPO director Oscar albayalde sa lahat ng district offices sa National Capital Region na i-maintain ang police visibility at tiyakin ang peace and order sa mga lansangan ngayong araw na ito.


Partikular na pinababantayan ni Albayalde ang possibleng pangha-harass sa mga jeepney drivers na hindi sasama sa strike.

Inatasan din aniya ni Albayalde ang mga chiefs of police na makipag-ugnayan sa mga LGU’s para sa kanilang mga libreng-sakay program.

Mag-iikot din aniya sa Metro Manila si Director Albayalde upang personal na imonitor ang situasyon, simula sa pagbisita sa MMDA control room.

Facebook Comments