SEGURIDAD NG OFW | Pag-uusap ng Pilipinas at Kuwait, pinatutulak ng NGOs

Manila, Philippines – Suportado ng Non-Government Organizations partikular ang Blas Ople Policy Center sa paninindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pansamantalang itigil ang pagpapadala ng mga household workers sa bansang Kuwait.

Sa interview ng RMN kay dating Labor Undersecretary at Blas Ople Policy Center Chair Susan ‘Toots’ Ople, sinabi niya na dapat nang pag-usapan ng Pilipinas at Kuwait ang isyu sa seguridad ng mga OFWs lalo na’t nitong nakalipas na buwan ay apat ang Pinoy na namatay sa nasabing bansa.

Batay sa datos ng organisasyon nitong 2016, 60,000 Pinoy workers ang pumasok sa kuwait kung saan 55,000 rito ang kasambahay.


Ang Kuwait rin umano ang may pinakamataas na bilang ng run away maid dahil sa pagmamaltrato.

Una nang nagbanta si Pangulong Duterte sa mga bansa sa Middle East na tratuhin ng tama ang mga Pilipinong manggagawa at tiniyak ang total deployment ban sa rehiyon kung may maitatala pa muling kaso ng pagmamaltrato sa mga Pinoy.

Facebook Comments