Seguridad ng pamilya ni Kian delos Santos mananatili sa PAO habang hindi pa tapos ang kaso, paglibing kay Kian buhos ang luha ng mga kaklase at kamag-anak nito

Manila, Philippines- Mananatili sa pangangalaga ng Public Attorney’s Office o PAO ang pagbibigay seguridad sa pamilya ni Kian Loyd delos Santos hanggat hindi pa tapos ang kanyang kaso.

Ayon kay PAO Chief Percida Rueda Acosta tinitiyak ng kanyang ahensiya na mabibigyan ng hustisya sina Zaldy at Lorenza Delos Santos ang mga magulang ni Kian na ngayo’y ay nasa pangangalaga pa rin ng PAO.

Umalma naman si running priest Fr. Robert Reyes na nakikipaglibing at naglakad ng halos tatlong oras mula Sta. Quiteria Parish church sa Caloocan patungong Laloma Catholic Cemetry na dapat ay bumuo ng Independent Body na siyang mag-iimbestiga sa pagpaslang kay Kian upang hindi umano mabahiran ng pagdududa ang publiko na magkakaroon lamang ng white wash ang kaso ng binatilyong pinaslang ng mga pulis.


Una nang humingi ng tulong ang pamilya kay senador Riza Hontiveros kung saan ipinaubaya naman ng senadora sa PAO dahil tiwala umano ang mga pamilya sa kakayahan ng ahensiya na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Kian.

Kaugnay sa paglilibing kanina sa labi ni Kian mistulang buhos ng ulan sabay-sabay na tumulo ang luha ng mga kaklase, kamag-anak, kapitbahay at mga mahal sa buhay ni Kian sa loob ng sementeryo ng tuluyan ng ipasok sa 1965 Apartment -1A 2-12 ibig sabihin dalawang hagdan ay pang labing dalawa nakahimlay si Kian sa loob sementeryo.

Facebook Comments