Manila, Philippines – Bilang pagtiyak ng seguridad ni dating Bureau of Customs Chief at Capt. Nicanor Faeldon na kasalukuyang nakaditene sa Pasay City Jail.
Nagdagdag ng tauhan ang Bureau of Jail Management & Penology sa nasabing piitan.
Ayon kay BJMP Spokesperson Insp. Xavier Solda, ikinukunsidera nilang high profile inmate si Faeldon kung kaya’t kinakailangan din nilang magdagdag ng seguridad.
Paliwanag pa ni Solda hindi nila isinasantabi ang posibleng banta nito sa buhay kaya’t dapat matiyak ang kaligtasan ni Faledon.
Sa ngayon nakapiit ang dating Customs Chief sa detention cell #12 kung saan nakahiwalay ito sa iba pang mga preso.
Facebook Comments