Seguridad ni Mrs. Gertie Batocabe, tiniyak

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaligtasan ni ginang Gertie Batocabe na tatakbong mayor ng Daraga, Albay.

Sinabi ni Atty. Justin Batocabe, siniguro ng Pangulo ang seguridad ng kanyang ina na itutuloy ang laban ng kaniyang ama.

Maging ang kaligtasan ng mga taga-Daraga ay sinuguro din ng Pangulo kasabay ng pagpapatuloy ng laban ng pinaslang na mambabatas.


Una nang inanunsyo ni Gertie Duran-Batocabe na siya ang kapalit ng mister sa mayoralty race sa kanilang bayan matapos ang pulong kay Pangulong Duterte at ibang opisyal ng gobyerno.

Magsusumite na lamang ang ginang ng mga dokumento sa Commission on Elections (Comelec) office sa Daraga para gawing pormal ang kanyang kandidatura.

Facebook Comments