Seguridad ni Pangulong Duterte sa SONA, tiniyak ng PSG

64

Handa ang Presidential Security Group (PSG) na magbigay ng full security para kay Pangulong Rodrigo Duterte at tiyaking magiging maayos ang idadaos na State of the Nation Address (SONA) sa Lunes sa Batasang Pambansa.

Ayon kay PSG Chief Brigadier General Jesus Durante III, mahigpit na seguridad ang ibibigay nila sa pangulo, kanyang pamilya at mga panauhin na dadalo sa kanyang huling public address.


“We will not let our guards down and we shall employ layers of security measures to neutralize any threat. PSG is prepared for any contingency, thus, we will implement our highest security protocols in 360-degree, to secure our President and ensure the success of his SONA at all costs,” sabi ni Durante.

Aniya, metikuloso ang kanilang paghahanda para sa SONA lalo at nananatiling banta ang COVID-19.

Ang mga guest ay kailangang sumailalim sa testing at mahigpit na susundin ang health security protocols.

Ang PSG ay bumuo ng Task Force SONA 2021 sa pangunguna ni Col. Nelson Aluad kung saan sila ang nakatutok sa site inspections at simulation exercises.



Facebook Comments