Seguridad ni Pangulong Duterte, tiniyak ng PSG

Tiniyak ng Presidential Security Group (PSG) ang mahigpit na pagpapatupad ng seguridad para kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y matapos makatanggap ang PSG ng mga banta sa seguridad ng Pangulo hindi lamang mula sa New People’s Army (NPA) at sa iba pang kalaban ng pamahalaan.

Ayon kay PSG Commander, Brig/Gen. Jose Niembra, tinututukan na nila ang mga ito.


Sinabi ni Niembra na kaya ni Pangulong Duterte na dalhin ang kanyang sarili basta palaging nasa paligin niya ang mga tauhan ng PSG.

Samantala, isasagawa naman bukas ang kauna-unahang Presidential Silent Drill Competition sa Quirino Grandstand sa Maynila.

Facebook Comments