SEGURIDAD PAIIGTINGIN │ PNP, sisikaping mabigyan ng payapa at masayang pasko at pagsalubong ng bagong taon ang mga Pilipino

Manila, Philippines – Sisikapin ng Philippine National Police na mabigyan ng payapa at masayang pasko at pagsalubong ng bagong taon ang mga Pilipino.

Ito ang inihayag ni PNP Chief Ronald Dela Rosa sa kanyang talumpati sa fllag raising kanina sa Camp Crame.

Sinabi pa nito sa harap ng mga pulis na ang pinakamagandang regalo sa mga Pilipino ngayong pasko ay ang ligtas at walang takot ang mga Pilipino habang ipinagdiriwang ang pasko at pagsalubong ng bagong taon.


Kaya naman paalala ni Dela Rosa sa lahat ng mga pulis na kahit hindi duty sa mismong araw ng pasko at pagsalubong ng bagong taon na huwag ipangako sa kanilang mga pamilya na buong araw silang makakasama dahil kinakailang nilang magduty o di kaya mag-report sa pinakamalapit na police station sa kanilang lugar at tumulong sa pagpapatrolya.

Layon nang maigting na pagpapatrolya ang mapigilan ang mga magsasagawa ng indiscriminate firing na posibleng magresulta ng pagkamatay o pagkasugat ng isang inosenteng indibdwal.

Facebook Comments