SEGURIDAD PAIIGTINGIN | Valentine’s Day, Ash Wednesday at mga aktibidad para sa Chinese New Year, tututukan ng MPD

*Manila, Philippines – Paiigtingin ng Manila Police District ang seguridad sa iba’t-ibang lugar sa lungsod ng Maynila para sa selebrasyon ng Valentine’s Day kasabay ang pagsisimula ng panahon ng kuwaresma.*

*Ayon kay MPD District Director Chief Supt. Joel Coronel, partikular na babantayan ng operatiba ng Manila Police District ang mga simbahan sa Archdiocese of Manila kung saan may mga gaganaping misa at recollections sa Pebrero a-14, Ash Wednesday.*

*Ito rin aniya ang simula ng mga preliminary activities para sa selebrasyon ng Chinese New kayat magpapakalat sila ng 1,200 Police Personnel sa Binondo hanggang Divisoria.*


*Paliwanag ni Coronel may Augmentation Force na itatalaga sa PCP 2,3 at 11 kung saan sentro ng aktibidad ay ang Lucky China Town dahil Ito umano ang pinakamalaking China Town sa buong mundo. *

*Dagdag pa ni Coronel na idedeploy din nila ang mga K-9 Units at operatiba ng Explosive Ordnance Division sa paligid ng China Town lalot inaasahang dadaluhan ito ng mga VIPs.*

*Tututukan din ng MPD ang Lucky China Town Mall kung saan magkakaroon ng fireworks display sa hating gabi ng February 16.*

Facebook Comments