Seguridad para sa darating na eleksyon, ipinanawagan kasunod ng pananambang sa dalawang alkalde ng Basilan

Nanawagan sa pamahalaan ang kapatid ni Akbar Basilan Mayor Alih Awal Sali na si Faisal Sali na higpitan pa ang seguridad sa buong Basilan para sa eleksyon 2022.

Kasunod ito ng pananambang kina Mayor Sali at Al-Barka Basilan Mayor Darussalam Saguindilan Lajid sa Zamboanga City nitong lunes na ikinasawi ni Lajid at ng driver nito.

Ayon kay Faisal, matagal na silang humihingi ng karagdagang security escort para sa mga alkalde ng Basilan pero hindi ito pinagbibigyan.


Politika naman ang tinitignang dahilan ng pamilya sa insidente dahil wala namang kaaway ang dalawa.

Sa ngayon, may mga person’s of interest na sa pangyayari pero hindi pa papangalanan dahil kailangan pang magsagawa ng malalim ng imbestigasyon.

Si Mayor Alih Awal Sali ay tatakbo pa rin ngayong 2022 election bilang alkalde ng Akbar, Basilan.

Facebook Comments