Manila, Philippines – Magbabantay ng husto ang PNP katuwang ang AFP, para sa ikalawang bahagi ng plebisito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL) na gaganapin sa araw ng Miyerkules, February 6.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Superintendent Bernard Banac, kailangan nilang gawin ito para masiguro na hindi makasingit ang mga nagbabalak ng masama.
Kasunod ito ng mga karahasan na nangyari sa Jolo, Sulu at Zamboanga City.
Sinabi naman ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, na magdadagdag din sila ng puwersa sa mga lugar na may mangyayaring botohan.
Layunin nitong bigyang seguridad ang lahat ng mga kalahok sa plebisito.
May plano naman ang hepe ng pambansang pulisya na personal na mag-iikot sa mga lugar na may plebisito upang makita ng personal ang latag ng seguridad sa mga nasabing lugar.
Ang BOL plebiscite sa February 6 ay gagawin sa limang bayan sa Lanao del Norte at nasa 30 Barangay ng North Cotabato.