Seguridad para sa Pagdating ni Pangulong Duterte sa Cauayan City Ngayong Araw, All-set na!

*Cauayan City, Isabela- *Handang-handa na ang Lungsod ng Cauayan at naka-all set na rin ang PNP Cauayan City katuwang ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan para sa seguridad sa pagdating ng Pangulo kasama ang mga kandidato ng PDP Laban.

Pangungunahan ni Pangulong Duterte ang gagawing campaign rally ng mga kandidato ng PDP Laban na magsisimula mamayang ala una ng hapon, Marso 13, 2019 sa FLDy Coliseum, Cauayan City, Isabela.

Hinigpitan na rin ng kapulisan ang pagbabantay sa mga lansangan at pansamantala munang isinara sa mga sasakyan ang daan sa harap ng Cityhall dahil sa gagawing pangangampanya ng mga kandidato.


Dadalo rin sa naturang Campaign Rally ang mga matataas na opisyal ng Pamahalaan ng Isabela sa pangunguna ni Governor Faustino Bojie Dy III, mga alkalde, Brgy Captains at mga Brgy Kagawad.

Samantala, nakatakdang pulungin mamayang 10:00 ng umaga ng presidential management staff ang mga mamamahayag kaugnay sa gagawing kampanya ng naturang grupo.

Facebook Comments