Kasado na ang inilatag na seguridad ng Police Regional Office 3 para sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan at paggunita sa Linggo ng Pambansang Beterano.
Ayon kay Police Regional Office 3 Commander P/BGen. Joel Coronel, nasa Isanlibong Pulis ang kanilang ipinakalat sa Dambana ng Kagitingan sa Mt. Samat sa Pilar, Bataan para bantayan ang ikinasang programa.
Pangungunahan ni Vice President Leni Robredo ang programa kasama ang mga delegado at ilang kilalang personalidad tulad ni dating Pangulong Fidel Ramos na kabilang sa mga beterano ng ikalawang digmaang pandaigdig nuong 1942.
Inaasahan din aniyang dadaluhan ito ng mga panauhin mula sa iba’t ibang sangay ng Pamahalaan, Sektor ng Lipunan gayundin ng mga Lokal maging ng mga Dayuhang Turista na nasa kasagsagan ng kanilang bakasyon.
Magugunitang tinatayang nasa Pitumpu’t Limang Libong mga Sundalong Pilipino at Amerikano ang nakipaglaban sa puwersa ng mga Hapon nuong April 9, 1942 subalit naging prisoners of war na nakabilang sa makasaysayang Death March mula sa Pilar, Bataan hanggang Camp O’ Donnel sa Capas, Tarlac.