Asahan na ang pinaigting na checkpoint at pagpapatrolya sa Dagupan City bilang pagbabantay sa seguridad ng publiko upang maiwasan ang election-related incidents sa lungsod sa papalapit na halalan.
Sa opisyal na pahayag na inilabas ng himpilan kahapon, paiigtingin ng kapulisan sa pag-iikot sa mga komunidad at police presence dahil sa “intense rivalry” ngayong eleksyon at upang mapigilan ang vote buying o selling.
Binigyang-diin ni Dagupan City Chief of Police PLTCOL Brendon Palisoc ang kahalagahan ng matiwasay at patas na eleksyon para sa mga Dagupeños.
Hinihikayat ng kapulisan ang kooperasyon ng publiko bilang pakikiisa sa pagtitiyak ng zero election-related incidents sa lungsod.
Isa ang Dagupan City na isinailalim sa areas of concern ng COMELEC. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨