Seguridad para sa Traslacion 2019, kasado na

Manila, Philippines- Naka-alerto na ang Joint Task Force – NCR ng Armed Forces of the Philippines para sa Traslacion 2019.

Ayon kay Brig.Gen. Abraham Casis, commander ng task force – sa ngayon ay wala silang namo-monitor na anumang banta sa seguridad para sa pista ng Poong Itim na Nazareno.

Tiniyak ni Casis na mahigpit ang kanilang ugnayan kasama ang mga tauhan ng Manila Police District.


Bukod sa 7,200 mga pulis na ipapakalat ng PNP, magde-deploy din ang AFP ng 2,000 sundalo sa mga lugar na daraanan ng andas.

Samantala, naka-deploy na ang nasa 600 pulis ng MPD para sa prusisyon ng mga replica ng black nazarene mamayang ala una y media ng hapon.

Sa kabila naman ng umiiral na gunban, isang vendor sa Quiapo, maynila ang inaresto ng pulisya matapos mahulihan ng baril sa tabi ng simbahan.

Facebook Comments