SEGURIDAD PINAIGTING | MPD, puspusan na ang pagbabantay sa mga pangunahing lugar sa Maynila

Manila, Philippines – Ilang araw bago magsimula ang simbang gabi, pinaigting ng Manila Police District ang pagbabantay sa mga matataong lugar sa Lungsod ng Maynila gaya ng mga simbahan, palengke at mall.

Ayon kay MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo, hinigpitan nila ang seguridad lalo na sa Divisoria na ngayon ay dagsa na ang mga mamimili.

May sapat aniyang bilang ng pulisya mula sa Station 11 at Station 2 na nakakasakop sa lugar ang kanilang ipinakalat na tatagal sa panahon ng selebrasyon ng pasko hanggang sa bagong taon.


Bukod sa Divisoria, Binondo, Sta. Cruz at Quiapo, binabantayan din ang mga mall at simbahan lalo na at ilang araw na lang ay magsisimula na ang simbang gabi.

May paalala lamang ni Margarejo sa publiko na kung magtutungo sa mga nasabing lugar, huwag na magsuot ng anumang alahas, ingatan ang mga dala-dalahan, at huwag na magsasama ng mga bata.

Facebook Comments