MANILA – Dalawang batalyon o katumbas ng 1,000 pulis ang ikakalat ng National Capital Region Police Office sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) sa mismong araw ng paglilibing doon kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.Ayon kay NCRPO Director Chief Supt. Oscar Albayalde – ito ay upang matiyak ang seguridad sa libing ng dating Pangulo lalo na at inaasahan na maraming anti-Marcos ang magsasagawa ng kilos protesta.Sinabi ni Albayalde na aabot sa 600 pulis ang manggagaling sa Metro Manila habang tig-200 pulis ang huhugutin nila sa Region 3 at Region 4-A.Magde-deploy din ang NCRPO ng mga CDM o Civil Disturbance Management team na praktisado sa pagharap sa mga demonstrador at mga pulis na mag-aayos sa daloy ng trapiko sa paligid, papasok at palabas ng libingan.Sinabi ng NCRPO na sisiguruhin nilang magiging maayos ang seremonya kay dating Pangulong Marcos.
Seguridad Sa Araw Ng Libing Ni Dating Pangulong Ferdinand Marcos, Pina-Plantysa Na – Dalawang Batalyong Pulis, Ipapakala
Facebook Comments