Manila, Philippines – Tiniyak ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Security Task Force na 100 percent na silang handa sa pagdating ng mga world leaders sa Pilipinas na dadalo sa ASEAN Summit.
Plantsado na rin ang seguridad na kanilang inilatag para sa mga heads of state.
Ayon kay ASEAN Security Task Force Operations Officer C/Supt. Noel Baraceros, nasa 60,000 Security Personnel na nagmula sa 21 ahensiya ng pamahalaan ang kanilang idineploy para sa iba’t-ibang ASEAN Venues sa kalakhang Maynila.
All set na rin ang seguridad sa Region 3, partikular sa Clark, Pampanga kung saan bababa ang mga heads of state at MG World Leaders.
Ipapatupad na rin ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang No Fly Zone at No Sail Zone na Maritime Command kung saan magpapatuloy ang pagpapatrolya ng mga pulis sa mga lansangan.
Nakalatag na din ang kanilang contingency para i-address ang mga raliyista na magsasagawa ng kilos protesta sa panahon ng Summit.