Nagpulong sina Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., at Al Haj Murad Ebrahim, Chief Minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) nitong nakalipas na linggo.
Ayon kay Acorda, layon ng pulong na paigtingin ang seguridad sa Mindanao lalo na’t nalalapit na ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Aniya, magtutulungan ang PNP at BARMM officials lalo na sa mga lugar sa Mindanao na mayruong presensya ng threat groups.
Magiging katuwang din aniya ng kapulisan ang Sandatahang Lakas upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa rehiyon.
Kasunod narin ito ng nangyaring bakbakan sa Sulu nuong nakalipas na buwan kung saan nakasagupa ng grupo ni dating Maimbung Vice mayor Pando Adiong Mudjasan ang mga tropa ng PNP at AFP na nakatakda sanang magsibli ng arrest at search warrant.
Sa nasabing insidente, 16 ang sugatan na kinabibilangan ng SAF troopers, AFP, sibilyan habang 1 pulis din ang nasawi.
Hanggang ngayon, nananatili paring at large si Mudjasan at kasalukuyang may coordination ang PNP sa BARMM para sa on going hot pursuit operations.