Seguridad sa Batasang Pambansa para sa ika-limang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte, all set na!

All set na ang Kamara para sa ika-limang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa mga ipinadalang larawan sa mga miyembro ng media, makikitang nakapwesto na ang mga K-9 units habang may mga nakaabang na ring mga ambulansya malapit sa clinic ng Batasan.

Mahigpit din ang ginagawang pag-check sa mga sasakyan na papasok ng complex.


Mayroon na ring mga tauhan ng PSG sa north at south wing ng gusali kung saan dadaan sa disinfection tent ang mga Kongresista, Senador, at ilan pang dadalo na bisita.

Nakahanda na rin ang red carpet sa “rear entrance” na dadaanan ng Pangulo pagdating bago ito dumiretso sa loob ng plenaryo ng Kamara.

Matapos sumailalim sa swab test kahapon, sumasalang naman sa rapid test ang mga Kongresista at empleyado ng Mababang Kapulungan dadalo sa SONA mamayang hapon.

Nagpalabas na rin ng Notice to Airman ang Civil Aviation Authority of the Philippines.

Epektibo ang “No-fly zone” para sa lahat ng uri ng aircrafts sa loob ng two nautical miles radius ng House of Representatives sa Batasan Complex mula alas 2:00 ng hapon hanggang alas 9:00 ng gabi.

Facebook Comments