Seguridad sa Camp Bagong Diwa, nananatiling mahigpit

Taguig City – Kaparehong seguridad pa rin ang paiiralin ngayon sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.

Ayon kay Bureau of Jail Management & Penology spokesperson Sr/Insp Xavier Solda, wala namang mababago sa kampo dahil noon pa man ay mahigpit na ang ipinapatupad nilang seguridad.

Posible kasing sa pagkamatay ni Cayamora Maute, ang tatay ng magkapatid na Omar at Abdullah Maute ay mag-aklas o manggulo ang mga tagasuporta ng teroristang grupo.


Nabatid na sa Special Intensive Care Area sa Camp Bagong Diwa nakapiit si Farhana; ang naulilang may bahay nito at ilang miyembro at tagasuporta ng Maute na nahaharap ngayon sa kasong rebelyon.

Kasunod nito sinabi ni Solda na wala namang dapat ikapangamba ang publiko.

Marami aniya ang bantay sa kampo at sa katunayan andoon din ang base ng Special Action Force o SAF.

Facebook Comments