Seguridad sa COC filing, inihanda na ng COMELEC

Inilatag na ng Commission on Elections (COMELEC) ang seguridad para sa paghahain ng certificate of candidacy (COC).

Ito’y mula October 1 hanggang October 8, 2024 sa Tent City ng Manila Hotel.

Nasa halos 400 na pulis ang magbabantay sa labas at paligid ng Manila Hotel sa pagsasagawa ng filing ng COC ng mga tatakbong senador at party-list.


Bukod pa ito sa mga force multipliers na tutulong sa pananatili ng seguridad at pagmamando ng lagay ng trapiko.

Nakipag-ugnayan na rin ang COMELEC sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fire Protection (BFP) para sa usapin ng seguridad sa iba pang local offices ng ahensiya kung saan isasagawa ang paghahain ng COC.

Facebook Comments