Seguridad sa Cotabato City mas paiigtingin pa! – Mayor Guiani

Mas papalakasin pa ngayon ng mga otoridad ang pagbibigay seguridad sa bawat sulok ng syudad sa pangunguna ng City PNP , 5th Special Forces at Task Force Kutawato sa direktiba na rin ni Mayor Atty Frances Cynthia Guiani.

Mas paiigtingin din ngayon ang paglalagay ng check point sa bawat entry at exit points liban pa sa striktong ipapatupad na No ID No Entry Policy at gagawing masusing pagsusuri para di malusutan ng mga criminal.

Mariin na ring ipinag utos ni Mayor Cyn sa mga kapulisan ang malalimang imbestigasyon sa magkakasunod na shooting incident. Lumalabas naman sa impormasyon na dayo lamang sa syudad ang mga naging suspek sa pamamaril at maaring may matagal ng mga hidwaan ang mga ito kontra sa mga naging bitkima.


Kaugnay nito walang dapat ipangamba ang mga residente ng syudad dahil ginagawa naman ang lahat ng mga otoridad para lamang maisigurong ligtas ang karamihan giit ng Alklade.

Nanawagan naman si Mayor Cyn sa kanyang mga kababayan na sa halip na magkalat ng masamang impresyon para sa Cotabato City ay makipagtulungan na lamang na mapanatiling mapayapa ang syudad.

GOOGLE PIC

Facebook Comments