Seguridad sa DOJ, hinigpitan matapos maaresto ang dalawang nagpapakilalang tauhan ng BI

Dalawang scammer na nagpapanggap na tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang naaresto ng mga awtoridad matapos na magpanggap na tauhan ng BI.

Pumasok umano sa opisina ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang scammer at nagawa pang makipag-selfie sa Kalihim.

Ginamit umano ito para magpakilalang tauhan ng Immigration.


Makaraang maaresto, nakumpiska rin sa mga ito ang hindi lisensiyadong baril.

Sa ngayon, mas hinigpitan na ang seguridad sa Department of Justice (DOJ) compound sa Maynila matapos ang insidente.

Facebook Comments