Nanawagan ang Department of Transportation (DOTr) sa law enforcement agencies na magpatupad ng mahigpit na security measures sa EDSA Carousel.
Ito ay kasunod ng insidenteng kinasangkutan ng isang traffic marshal at isang armadong indibiduwal.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, dapat maging mapagmatiyag ang riding public at agad isumbong sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad na kanilang makikita.
Iginiit ng kalihim na mahalaga ang seguridad at kaligtasan ng mga commuters.
Hinimok ni Tugade ang Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) at Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) na paigitingin ang security measures para maprotektahan ang mga commuters na araw-araw na gumagamit ng pampublikong transportasyon.
Apela ng DOTr sa publiko na maging aktibo ang kanilang partisipasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa transport stations at hubs, at maging sa loob ng public transport vehicles.
Noong May 31 sa Ortigas Avenue station ng EDSA Busway, nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan ng I-ACT marshal at isang lalaking may problema sa pag-iisip na armado ng patalim.