MANILA – Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na handa na sila sa gaganaping Special Elections Bukas, Mayo 14.Ayon kay PNP-PIO Chief Supt. Wilben Mayor, babantayan nila ang 52 clustered precincts sa ilang probinsya sa bansa kasabay sa gagawing eleksyon.Magdedeploy rin sila ng sapat na tauhan na magbabantay sa mga election paraphernalias at maging sa kaligtasan ng mga Board of Election Inspector (BEIs) at mga botante.Handa rin silang magsilbing BEIs lalo na sa mga lugar na may security concerns sakaling kakailanganin.Matatandaang nagdeklara ng failure of elections sa tatlong barangay mula sa Visayas at Mindanao.Kabilang na dito ang Barangay Katuli sa Sultan Kudarat, Maguindanao; Barangay Binucayan sa Loreto, Agusan del Sur; at Barangay Palayog sa Hinigaran, Negros Occidental.Ang tatlong barangay ay mayroong 2,134 na boto.Dahil dito, magsasagawa ng Special Elections ang tatlong barangay kasama ang 11 na bayan bukas, Mayo 14.
Seguridad Sa Gaganaping Special Elections Bukas, Tiniyak Ng Philippine National Police
Facebook Comments