Seguridad sa ICI, hinigpitan; police visibility, naka-deploy sa komisyon

Mahigpit na seguridad ang ipinatutupad sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Taguig City.

Humigit-kumulang 10 pulis ang dumating sa komisyon kaninang pasado alas-8 ng umaga.

Batay sa nakalap na impormasyon, humiling ang ICI ng security coverage at assistance mula sa Southern Police District para sa inaasahang pagharap ni presidential son, Rep. Sandro Marcos.

Wala pang kumpirmasyon ang ICI kung kailan sasalang sa hearing ang nakababatang Marcos, ngunit inaabangan na siya ngayon ng media.

Una nang inanunsyo na ngayong linggo magtutungo si Marcos sa ICI matapos siyang lumiham kay Chairman Andres Reyes.

Matatandaang inakusahan ni resigned Rep. Zaldy Co ang anak ng Pangulo na responsable umano sa P50.9-billion budget insertions.

Facebook Comments