Seguridad sa labas ng Sofitel, mas hinigpitan sa ikaapat na araw ng filing ng COCs

Mas hinigpitan pa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagbabantay sa buong paligid ng Sofitel Philippine Plaza.

Ito’y sa ikaapat na araw ng paghahain ng Certificate of Candidancy (COCs) at Certificate of Nomination and Acceptance (CONA).

Kaugnay nito, ilang mga kalsada papunta ng Sofitel ang pansamantalang isinara bukod pa sa mga naunang isinara noong Biyernes.


Bawat saradong kalsada ay may mga itinalagang checkpoint upang masiguro na wala ng makakapasok na sangkaterbang supporters tulad ng nangyari noong Biyernes.

Patuloy rin ang paalala ng mga otoridad sa lahat ng nagtutungo rito sa tapat ng PICC na sumunod sa ilang patakaran sa health protocols upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19.

Ilan naman sa mga nagtungo rito ay mga taga-suporta ni Manila Mayor Isko Moreno na naghain na ng kaniyang COC para kumandidato sa pagkapangulo.

May ilan din mga taga-suporta ng partylist group ang nananatili sa may tapat ng PICC upang doon na lamang maghintay.

Facebook Comments