Seguridad sa lahat ng mga jail facilities bago ang bagong taon, tiniyak ng BJMP chief

Kuntento si BJMP Chief Jail/Director Allan Iral Sa latag ng seguridad sa ilang jail facilities sa National Capital Region.

Unang ininspeksyon ni Iral ang Quezon City Jail.

Pinulong ni Iral ang mga jail officer at pinaalalahanang huwag tutulog tulog sa mga bilanggo na magtatangkang makapuslit palabas ng piitan


Binalaan din niya ang mga ito na huwag magpaputok ng baril sa pagsalubong sa bagong taon

Ani Iral, propesyunal ang jail officers kayat hindi na kailangan selyuhan ang mga baril

Sakali mang may makita rin aniya sila na gagamit ng baril sa pagdiriwang ng bagong taon, dapat isumbong ang mga iyon sa pulisya.

 

Facebook Comments