Tiniyak ng Dagupan City PNP ang seguridad sa lungsod sa nagpapatuloy na campaign period.
Ayon kay Dagupan City PNP PLtCol Brendon Palisoc, wala umano silang namomonitor na private armed groups sa lungsod gayundin ng kahit anong Banta para sa mga kandidato at publiko.
Aniya, sa kabila ng pagsasailalim ng lungsod sa yellow areas of concern dahil sa intense rivalry wala pa naman umanong nanghihingi ng security sa kanila.
Samantala, nakaplano na rin ang mga idedeploy na pulisya sa mga polling centers kung saan aabot sa humigit kumulang 100 personnel ang ipapakalat sa 31 barangay.
Umaasa naman ito na magiging generally peaceful ang kampanya at pagdaraos ng Halalan sa Mayo 12. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments