Manila, Philippines – Kasunod ng pagpasok ng ber months, naglatag na ng mas pinagigting na police visibility at security plans ang pamunuan ng Manila Police District para tiyakin ang seguridad sa lungsod.
Ayon kay MPD Director Chief Supt Joel Coronel, dadagdagan nila ang police assistance desk na nakatalaga sa mga pampublikong lugar partikular sa mga shopping malls, simbahan at mga paaralan.
Ayon kay Coronel, tuwing panahon ng kapaskuhan naglilipana ang mga mandurkot, ipit-taxi, salisi at laglag-barya gang, habang buwan naman ng Oktubre nagiging talamak ang mga nakawan.
Dahil dito, makikipagugnayan na rin sila sa mga security units ng mga establishimento upang mas matiyak ang seguridad ng publiko.
Facebook Comments