Seguridad sa Malacañang compound, mahigpit pa rin matapos ang kilos-protesta kahapon

Mahigpit pa rin ang seguridad sa Malacañang matapos ang naging malawakang kilos-protesta kahapon.

Hindi basta-basta nagpapasok sa Malacañang compound ang kahit na sino nang walang pahintulot o clearance mula sa Presidential Security Command.

Matatandaang nagkaroon ng tensiyon sa bahagi ng Mendiola at Ayala Bridge, partikular ang panununog ng gulong ng isang container van ng ilang grupo ng mga kabataan.

Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, nakamonitor si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kaganapan at nakarating na rin sa kanya ang nangyari sa paligid ng Malacañang.

Aalamin naman ng Palasyo kung sino ang nasa likod ng insidente dahil isang malaking kuwestiyon kung paano nagkita-kita ang grupo at lahat ay nambato at may gamit pang panunog.

Facebook Comments