Seguridad sa Manila North Cemetery, mas hinigpitan ilang araw bago ang Undas 2024

Naghigpit na ng seguridad sa loob at labas ng Manila North Cemetery ilang araw bago ang Undas.

Pagpasok pa lamang ng nasabing sementeryo ay may itinayo ng barikada at tolda gayundin ang lamesa para sa inspeksyunin ang mga gamit ng mga nais pumasok.

Nasa halos 400 na tauhan ng Manila Police District (MPD) ang nagbabantay sa loob at labas ng sementeryo katuwang ang mga force multipliers.


Naka-pwesto na rin ang advance command post ng MPD na kumpleto sa mga gamit para sa komunikasyon, koordinasyon at monitoring sa sitwasyon.

Hindi na rin pinapapasok ang anumang uri ng sasakyan at ipinagbabawal ang pagpaparada sa entrance at exit ng sementeryo.

Nagkaloob naman ng libreng sakay para sa mga senior citizens, buntis at Persons with disabilities (PWDs) kung saan inilipat na rin ang mga vendors na naka-pwesto sa harap ng Manila North Cemetery.

Facebook Comments