Seguridad sa Manila North Cemetery, mas lalong hihigpitan ngayong hapon

Mas lalong pang hihigpitan ng Manila Police District ang pag-babantay ngayong hapon dahil sa inaasahang pagdami ng bilang ng tao.

Nabatid kasi na nasa 340,050 pa lamang ang bilang kung saan inaasahan nila na aabot sa halos isang milyon ang bibisita sa naturang sementeryo.

Wala naman inaasahan na kilalang personalidad kung saan patuloy na nakatutok sina MPD Director Police Brig. Gen. Bernabe Balba at lt. Col. Reynaldo Magdaluyo, commander ng MPD Station 3 na nakakasakop sa sementeryo.


May mga nakaantabay din na ambulansiya at isang mobile hospital na 24 hours na tututok sa North Cemetery.

Sa ngayon, mapayapa ang sitwasyon sa North Cemetery na isa sa pinakamatandang sementeryo sa Metro Manila.

Facebook Comments