
Mahigpit na seguridad ang ipinapatupad ng Manila Police District (MPD) sa bahagi ng Mendiola sa lungsod ng Maynila.
Ito’y dahil sa nakatakdang kilos-protesta ng ilang grupo kasabay ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Macos Jr. ngayong araw.
Halos nasa higit 100 personnel ng MPD ang idineploy mula sa bahagi ng Recto hanggang makarating ng Mendiola kung saan malapit ang entrance sa Malacañang.
Bukod sa MPD, katuwang din nila sa pagbabantay ang mga tauhan ng barangay, Manila Trafficm, at Bureau of Fire Protection (BFP) ng Maynila.
Giit naman ng MPD, mahigpit na ipinagbabawal ang pagsasagawa ng rally sa Mendiola at sa mga freedom park lamang nila ito maaaring gawin tulad ng Liwasang Bonifacio.
Kaugnay nito, bantay-sarado rin ng MPD ang boundary ng Maynila at Quezon City na malapit sa Welcome Rotonda maging ang paligid at harap ng US Embassy dahil sa inaasahang protesta.









