Mahigpit na binabantayan ng Coast Guard District Northwestern Luzon (CGDNWLZN) ang seguridad sa mga baybayin at rutang pandagat sa rehiyon kasabay ng pagdiriwang ng kapaskuhan sa ilalim ng OPLAN BYAHENG AYOS: PASKO 2025.
Patuloy at walang humpay na ipinatutupad, sa pamamagitan ng lahat ng Coast Guard Stations at Sub-Stations, ang mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan, kaayusan, at kahandaan ng publiko ngayong panahon ng bakasyon.
Layunin ng operasyon na mapanatili ang mataas na antas ng maritime safety at seguridad sa mga baybaying-dagat at rutang pandagat na sakop ng distrito.
Kaugnay nito, pinaalalahanan ng Coast Guard ang mga beachgoers na unahin ang kaligtasan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga paalala at babala, pag-iwas sa paglangoy kapag maalong ang dagat, pagtalima sa mga safety markers at flag warnings, at pakikinig sa mga tagubilin ng mga lifeguard at awtoridad.
Ayon sa tanggapan, mahalaga ang aktibong pakikipagtulungan ng publiko upang matiyak ang ligtas, maayos, at masayang bakasyon sa mga baybayin at karagatan ngayong kapaskuhan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









