Nakaantabay ang mga kawani ng mga Local Disaster Risk Reduction Management Office ng Pangasinan sa inaasahang dagsa ng mga beachgoers maging mga turista sa mga baybayin sa lalawigan.
Sa kasalukuyan, nananatiling dagsa ang mga baybayin tulad na lamang sa Tondaligan Beach sa Dagupan City, Binmaley at Lingayen, at San Fabian Beach ngunit ang bulto umano ng tao ay mararanasan sa unang araw ng Enero.
Matapos din ang sunod-sunod na insidente ng pagkalunod sa lalawigan, may paalala naman ang awtoridad.
Samantala, tiniyak ng mga kawani na naka standby ang iba’t-ibang mga kagamitan sakaling makaranas ng anumang insidente upang maagap itong matugunan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments