
Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga uniformed personnel na higpitan ang seguridad at pagbabantay ngayong Kapaskuhan, kasabay ng inaasahang pagdami ng mga taong naglalakbay at lumalabas sa mga lansangan.
Ayon sa Pangulo, kailangang mas palakasin ang presensya ng mga awtoridad sa mga kalsada, pampublikong lugar, terminal ng transportasyon, at mga komunidad upang matiyak ang kaligtasan ng mamamayan.
Binigyang-diin ni Pangulong Marcos na mahalagang maramdaman ng publiko ang kapanatagan at seguridad upang tunay na ma-enjoy ang diwa ng Pasko nang may pagkakaisa at kapayapaan.
Ipinaalala rin ng Pangulo na hindi humihinto ang serbisyo publiko kahit panahon ng pagdiriwang, at hinikayat ang mga kawani ng pamahalaan na magpatuloy sa tapat at marangal na paglilingkod para sa kapakanan ng bansa.









