Seguridad sa mga lugar sa Mindanao na nakaranas ng lindol, tiniyak ng PNP

Tuloy-tuloy ang ibinibigay na security assistant ng Philippine National Police (PNP) sa mga lugar na nakaranas ng magnitude 6.8 na lindol sa Mindanao.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo katuwang sila ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa pagsasagawa ng road clearing at relief distribution.

Ani Fajardo, nag-deploy sila ng PNP personnel sa mga establisyemento na napinsala ng lindol.


Samantala, may naitalang minor cracks sa ilang pasilidad ng PNP pero hinihintay pa ang isinasagawang engineering assessment.

Mapalad namang walang pulis na naapektuhan ng malakas na pagyanig.

Facebook Comments