Seguridad sa mga paliparan, daungan at mga terminal lalong hinigpitan

Manila, Philippines – Lalong hinigpitan ng Department of Transportation o DOTr ang seguridad sa mga paliparan, daungan at terminal ng mga bus at tren sa bansa.

Kasunod ng krisis sa Marawi City – isang derektiba ang inilabas ni Transportation Secretary Arthur Tugade na nagsasaad ng pagpapaigting ng security measures sa mga sasakyan.

Agad din ipinatupad ang naturang derektiba sa ibat-ibang paliparan sa bansa katulad nalang ng Manila International Airport at Ninoy Aquino International Airport.


Nagdagdag naman ng tauhan at CCTV ang Clark International Airport.

Kasabay nito – hinigpitan din ng Bureau of Immigration (BI) ang pagsasala sa mga dayuhang pasahero na pumapasok sa bansa partikular na ang mga pasaherong galing sa mga bansang may presensya ng foreign jihadist.

Facebook Comments