Seguridad sa mga paliparan, hinigpitan ng CAAP matapos ang sunod-sunod na bomb threat sa mga airport

Lalo pang hinigpitan ang seguridad sa 42 commercial airports sa bansa.

Kasunod ito ng bomb threats sa ilang eroplanong mula Manila, patungo ng Puerto Princesa, Mactan-Cebu, Bicol, at Davao International Airport.

Nag-deploy rin ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng karagdagang mga tauhan sa loob at labas ng mga paliparan sa harap ng inaasahang pagbagal ng daloy ng trapiko sa papasok sa mga airport.


Ito ay dahil sa mahigpit na security screening sa mga sasakyan at bagahe ng mga pasahero.

Patuloy rin ang foot at mobile patrols sa airside at landside areas ng airport complex.

Facebook Comments