Seguridad sa mga pantalan, hinigpitan na ng Philippine Coast Guard kasabay ng pagdagsa ng mga pasahero

Manila, Philippines – Sinimulan nang maghigpit ang Philippine Coast Guard (PCG) sa seguridad sa mga pantalan at mga sasakyang pandagat na maglalayag.

Kasunod na rin ito nang inaasahang pagdagsa ng libo-libong pasahero ngayong Undas.

Sa interview ng DZXL kay PCG Manila Captain Rodolfo Villajuan, nanawagan ito sa publiko na makipagtulungan sa mga otoridad para sa kanilang seguridad.


Sa datos ng Coast Guard, pinakamatao ang mga seaports sa Matnog-Sorsogon, Northern Samar, Cebu, Cagayan De Oro, Guimaras, Batangas at sa Oriental Mindoro.

Simula nitong Sabado, October 28, nagtaas na ng alerto ang PCG at mananatili naman ito hanggang sa November 5.

Facebook Comments