SEGURIDAD SA MGA POOK PASYALAN SA BOLINAO, PINAIGTING BUNSOD NG INAASAHANG DAGSA NG TURISTA

Pinaigting sa bisa ng ordinansa ang pagpapatupad ng mga hakbang sa pook pasyalan upang masiguro ang seguridad ng mga bibisita sa bolinao ngayong long weekend.

Sa ipinasang ordinansa, iniutos ang pagpresenta ng valid ids at user’s fee na p40 kada turista, para sa mga nais pumasok sa tourism sites ng lugar nakasaad sa kanilang tourism code

Binibigyang awtoridad din ng ordinansa ang tourism office na magpasara at kontrolin ang mga papasok na turista sa mga pasyalan at establisyemento sa pangkaligtasang dahilan.

Magiging strikto rin ang pag implementasyon sa 6am-6pm na operasyon ng mga lahat ng establisyimento maging ang night swimming sa buong bayan sa hangganang oras. Kabilang pa ang pagbabawal sa overnight stay at tent pitching sa bolinao falls at patar beach.

Kaagapay ng tanggapan ang mga opisyal ng barangay sa pagpapatupad ng ordinansa kasabay ng 24/7 na deployment ng rescue team, pnp, at pcg para sa activation ng incident command system simula oktubre 31 hanggang nobyembre 2.

Maaaring mapatawan ng paglabag sa ra 11332 o ang resistance and disobedience to a person in authority o posibleng pagpapawalang bisa ng business permit o suspensyon ang sinumang indibidwal at establisyimento.

Facebook Comments